Inner Peace…
So much with all that ka-dramahan. Mahirap maging discreet lalo na kung ang personality ko ay pure sanguine talaga. Ang problema ko ay ang sarili ko at kailangan nang masolusyunan ang pagiging emo ko ngayon din! Oo, minsan sa buhay ko ay nagiging emotional at sentimental din ako! (kung anu-ano man ang mga nagiging dahilan, sa akin na lang yun). Ngunit nasabi ko previously na kaya ako nagkakaganito ay dahil sa medyo kulang ako ng peace of mind. Sobrang dami kong naiisip lately and I become worried with so much things. And also, wala ako masyadong napagsasabihan ng mga nararamdaman ko ngayon besides my family here. Do you know what I mean? Although my life now runs so smoothly, I find it a little bit boring. Pero nasa isip ko lang ata ang lahat ng ito. Tsaka ito pa, I tried to search for my heart last night, and I found out na I have this feeling of longing kaya nalulungkot ako. (syempre sino ba naman ang di malulungkot pag may namimiss ka?). No, hindi ito tungkol sa love life (ano ka ba! hehehe) .. pero pwede na rin! joke..
Hindi, joke lang yun.. nagpapatawa lang ako.. (ano’ng nakakatawa dun?) Promise, last na ‘to.
I know that external enjoyment cannot be achieved unless I don’t radiate the inner peace which comes from God alone. What makes a happy person happy is his spirit that is overwhelmed in the presence of the Lord. May God help me find that complete peace of mind as I walk with Him all the days of my life. Now, I must stop worrying for it won’t add a single day of my life. Instead, I must enjoy life as if I’m gonna die tomorrow. Worry does not lessen the troubles of tomorrow, it just robs the enjoyment of today.
I Like This Not.. My Hibernation..
This will be my second post for today. (Actually madaling araw ko na ginawa yung previous). By the way, my friend, Nichole, and I have the same feelings right now (and in some aspects, we have the same personality.. di’ba, girl?). Although magkaiba kami ng situation (kasi sya patungkol sa love life at ako ay halo-halo! hahah) ay synonymous daw kaming dalawa. Tama, di’ba, Nics? Yung tipo bang hindi mo alam kung bakit hindi ka okay. (siguro minsan ayaw mo na lang talagang sabihin.. pero alam mo rin kung ano yun.. hayy, magulo!). You might be wondering what I have been thinking.. hindi ko rin talaga alam! Ayoko na lang muna magsalita kasi baka mamaya.. hmm.. I like this not… ![]()
Ang papangit na ng mga posts ko ah.. eh ano, minsan lang nagiging hindi ok si ako kaya i-grab na ang opportuniting ito. And besides, blogsite ko ito! waahahaha! Alam ko na ang problema ko, wala akong complete peace of mind ngayon. Kaya ako nalulungkot pag gabi at hindi nakakatulog kaagad ay dahil sa ang dami kong iniisip. Ang dami kong winoworry which is hindi naman ako dapat mag-worry sa kahit ano. Araw-araw na lang akong sinesermonan ni Lord sa devotion ko ang tungkol sa pagwoworry.. kailangan ko ng peace of mind ngayon. Kahit sobrang smooth ang life ko ngayon, I find it so empty (not totally empty naman..oa.). Magaling lang talaga kami magdala ni Nichole ng problema..heheh.. Sa post nya, nakakakuha ako ng idea.. that is to be in a discreet mode muna. Parang magha-hibernate muna ako.. winter pa lang eh.
Feel kong matulog muna, magmeditate at damhin ang pagdampi ng hanging malamig sa aking gumgandang mukha. Kakain muna ako ng marami para maging malakas at sumaya. Dahil lately, nagiging malungkutin ako. Isa lang ang ibig sabihin nyan, malungkot ang aking spirit. Kain muna ako dahil sobrang nagugutom ako.
*Discreet*
Ayoko Nang Mag-blog… Gusto Kong Magbago.. hmm.. (The Other Side)
Kung sino man ang may tenga, makinig.. Kung sino man ang may mata, magbasa..
Una sa lahat, magkukuwento muna ako bago ko sabihin ang dahilan kung bakit ayoko nang mag-blog..
Ayoko na ng current self ko (pero hindi ibig sabihin hindi ako kuntento sa sarili ko…) Gusto ko na ulit magbago. Pagbabago, gusto ko!
Isa sa mga long-term goals ko ay ang magkaroon ng pagbabago sa sarili araw-araw. Oo, as in araw-araw! Gusto kong baguhin ang aking mga pag-uugaling hindi kanais-nais (narinig mo yun). Yung tipo bang, hindi mo na makikita bukas yung kahapong Imay na may nagawang hindi maganda. Lahat naman ng tao may negative side. Nagkataon lang na dominant ang pagiging good ng lola nyo. (O, nakita mo na ang nega side ko?). Hmmm, hindi.. wala lang akong masabi. Medyo hindi lang ako ok na ewan. (Parang nag-iba ang tono ng post na ito noh? Una sa lahat, nakasulat sya sa Taglish). Actually, hindi ko ma-put into words ang nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko, hindi ako ok na ok (which is, bihira lang akong maging hindi ok, duvah?). Basta ang alam ko, kailangan ko ng kausap kaya I end up talking to myself again (buti na lang may blog.). “Imay, eh ano’ng tawag mo sa pamilya mo?”. Hay naku, pagdating sa pamilya, mas ok pa ako sa alright. May times nga lang talaga na kapag gumagabi na, nalulungkot ako lalo na kapag mag-isa na lamang ako. (ngayon-ngayon lang yan… at di ako nahohomesick, ok ka lang?) Tsaka hello, may mga bagay na hindi ko na kailangang sabihin sa family ko, like sa mom ko? Basta ang gulo ko talaga ngayon! Kailangan ko ang mga advisers ko! Or absorber.. whatever. (Nilalamig ako, shocks!) May nakakausap naman ako lagi (kaso laging busy yun.. tsaka di ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya.. hahah). At kung may magtanong man sa akin ngayon ng deretchahang, “Imay, ano’ng problema mo? Sagutin mo!”, siguro sa una, ang maisasagot ko lang ay, “Hindi ko rin alam!” (pero ang ibig sabihin nun, magtanong ka lang ng magtanong at kausapin mo ako..lol). Oh, epal din ako minsan noh? Gustung-gusto kong mag-advise (wow, pag may problema, sa akin ang punta!) at syempre, mangamusta at makinig ng kanya-kanyang kwento. Pero pagdating sa mga kwento ko, may nakikinig kaya? (hay naku, umandar na naman ang pagseself-pity mo!). Oo, malamang. Kaya nga kapag kausap ko na kayo, di nyo na ako kinakamusta kasi alam nyo na ang buhay ko! hahaha!!!
Siguro miss ko lang ang mga friends ko sa Pinas (syempre miss ko rin ang family ko dun, ano ba! ibang usapan na yun). Kulang ang ym at fs oh. May iba, kahit lagi ko nang kausap, miss ko pa rin! Hay, bakit ganun? . Mahal ko lang talaga ang lahat ng mga kaibigan ko. “Friends! Miss ko na kayong lahat!” (para-paraan). Wala akong paki kung di nyo ako miss, basta ako, miss ko kayo (duh, as if naman di nyo ako miss?) Miss ko ang chibugan, ang kulitan, ang textan (GM! haha), ang kantahan, ang sayawan, ang tawagan.. lahat miss ko!
Ano pa ba? ayun.. gusto kong mag-blog, bakit ba? Out! Out! kung di ka mag-cocomment
(yehey! lumabas ang pagka-mean ko!). Oha, oha, lumabas ang pagka-mean ko.. joke lang po yun
… (isip).. hhmmm, ayun, tamad ako ngayon! Bumalik ang pagkatamad ko (rebuke, rebuke! simula ngayon, masipag na ulit ako..) Hhhhhhhhaaaaayyyyy!!!!! Na-try mo na bang mapa- “hhhhaaaaaayyyy” lang? Parang trip kong mag- “hhhhaaaaaayyyy” for life? heheh.. Gusto kong umiyak pero hindi naman ako maiyak (kasi hindi ko alam kung bakit ako iiyak, ano yun, loka-loka?). Hoy, to tell you, hindi ako romantically in love! (hindi nga ba? joke.. hahaha)..
At ang pinaka-miss ko sa lahat? Kilala niya na kung sino siya. From pole to pole kilalang-kilala sya. Walang hindi nakakakilala sa Kanya (hindi ako nagloloko). Oo, kilala mo rin sya! Miss nya na ako sobra.. lagi nya sinasabi sa akin yun eh.. 2nd anniversary pa naman namin this month.. (ayan, naiiyak na si Imay!).
*Itong susunod na part ay para lang sa mga taong… marunong umintindi.. pag di mo maintindihan, wag mo nang intindihin at i-meditate kasi baka maparanoid ka lang.*
Sa tingin ko, kaya lang ako nagkakaganito dahil hindi nakakain ng mabuti ang aking ispiritu. (Ano sa tingin mo Riva?). Gusto kong maramdaman ulit yung naiiyak ang puso ko.. maranasan ang pagkawasak upang maging buo muli.. magdalamhati para maging galak…
*Ok, pwede na ulit…*
Wow, maganda palang magsulat ng ganito lang. Yung tipo bang, wala lang.. normal lang.. yung pag babasahin mo, parang personal mo na rin akong kausap.. unlike pag English, nakakadugo ng ilong (pero syempre depende pa rin sa mood ko!) Ayan, medyo ok na ako (kahit wala naman talaga akong nasabing kakaiba.. meron ba?). Ang gulo ko talaga ngayon! Gusto ko ng may kachikahan, yun lang.. maganda palang makipagchikahan sa sarili..
Saka parang ayoko na atang mag-blog! Ala naman masyadong nagcocomment! (pero hindi ako naniniwalang walang nagbabasa nito!!!). Kahit may mga nagmemessage sa akin na nagbabasa sila, patunayan nyo naman sa comments! (o baka naman unworthy for comments itong blog ko?).. Ah, ewan!!! (ito na naman ang crazy side ko!! hehe) * Back to being a nice girl..*
Pang-huli sa lahat, J
KE J
K E J
KE lang ang title ko na ayoko nang mag-blog! hehehe (sabi sa inyo magulo talaga ako ngayon eh!)
Kung sino man ang may tenga, makinig.. Kung sino man ang may mata, magbasa..at kung sino man ang may kamay, mag-comment na rin! (sige na, nahiya pa eh!)
Itulog ko na nga lang ito… (P.S: Riva, pwede ka nang mag-comment! I love you!)

