O.M.G, I’m So Bored!
O.M.G, I’m so bored! Isn’t it obvious? Masyado rin akong nabibilisan sa oras. Parang kanina lang ay gabi, tapos umaga, tapos hapon na, at mag-gagabi na naman! Worse is, buong araw parang nakatunganga lang ako sa harap ng computer. Hmm, di’bale, since malapit nang matapos ang winter, malapit na ring matapos ang mga nalalabing malalamig sa araw ko. Gusto kong bumilis ang oras na hindi. Oo, kasi ang dami kong inaasahang mangyari. Hindi, kasi marami pa akong hindi natatapos! By the way, I’ll be taking up my knowledge test for driver’s license on Wednesday. Medyo dinamdam ko ang pagrereview kasi binigyan na ako ng ulitmatum ng aking inay. “Dapat February makapag-exam ka na!” Sana naman makapasa ako! Waah!
(Buti na lang chikahan kami to the max nina Rayner and Job this afternoon. Fun! hahah!)
Never-Been-Seen-Before Slideshow
I was like opening my account in Slide.com when I saw this funny slideshow I made more than a year ago. I’m not really into making slideshows but I want to share this never-been-seen-before slides of me and my co-theater mate and friend, Brenz. I believe he’s really a good actor. This is just for fun!
One Friday Crazy and Idle Morning
SOUL MATES??
Fun at Pre-Valentine and Valentine’s Day
I did make my Valentine’s Day. Fun!
Yesterday, my brother and I went to Portland in Oregon to visit his friends in his former school. And so I met new Chinese friends, Yi and Nichole. We spent our Valentine’s Eve eating at a Thai resto (I loved the food! nyam nyam!) and watching Push in a big screen (bitin nga lang yung movie.. pero of course, crush ko na naman yung artista..hahah!). We were just enjoying, without realizing na Valentine’s day na pala. On the first hour of Feb. 14, we ate at Shari’s kasi nagutom kami. While eating, they were talking about their trip to LA, California this summer and it sounded so fun. They said I could come with them (buti sana kung libre niyo ako!).. parang gusto ko pero wag na lang ata.. hehehe.. pero believe me, affordable ang price but instead of spending my money to such trip, I’ll just invest it for my school (buti kasi ikaw kuya, mayaman ka at gagaraduate ka na! hahaha).. ayun, pero I want to come! huhuh.. bahala na…
And later, I’m spending the last hours of Valentine’s day again with my family and some friends. Ewan ko ba, san na nga yun? Maiba ako, hindi pa rin ako maka get over kay Jericho (check out my post about I LOVE JERICHO ).. huhuh
..
Who told you that Valentine’s day is just for romantic lovers?
Happy Advanced Birthday!!!!
I know, it’s not yet my birthday but today, I really felt so special and truly loved. First, by God, second, by my family and friends. Today I celebrated my 19th birthday with my closest friends… my best friends… my truest friends… I chose to celebrate it today for tomorrow will be a celebration with my family. And this will be the last day I will be with them this year (on the 28th I will be leaving for U.S) I am really happy because I was with people whom I considered my best friends; those who encourage me through thick and thin and thinner and thinest… heheheh… College best friends, Jems, Alex and Riva (perfect ministry combination with me of course)… My high school best friends, Jp, Leah and Patrick (distance makes us closer!) My cousin, Mjoy, and my funniest friend, Daniel! Nothing compares my joy for realizing that I am so blessed with true friends; friends who are wise, intelligent, kind, good-looking (ahemm) and of course, God-loving. Though my other friends were not there, I’m still thankful because I have been receiving greetings and words of blessings from them… and gifts too! hahaha… thank you very much… (I’m so rich with good friends!)
Later and tomorrow, I am expecting more greetings and I am preparing my heart (because if not, I won’t contain the joy that I will receive… hahaha) Hindi na ako makapagsulat ng maayos ngayon kasi po sobrang tired ako yet happy (two hours lang ang tulog ko!) Gusto ko pa sanang i-elaborate ang lahat: na ako lahat ang nagluto ng pagkain, na sobrang humabol sila at ginawa ang best para makapunta dito despite the distance, na meron pa akong mga regalo… hehehe) hayy naku, sobrang…haaay! Grabe talaga si Lord… masaya ako today… sorry yung iba hindi ko na nainvite, sobrang tipong 2 days before or a night before kasi ako mag-invite..hehehe yung iba galing pa ng malalayong lugar…haaayy… ![]()
(I’ll just post the pics on my gallery maybe tomorrow… my eyes are really heavy. good night!)
Hihingi Ka Rin Ng Tawad
Alam nyo, may inilathala ako sa friendster bulletin board last October 26. Ito yung oras na malungkot ako at gusto kong ipaabot sa isang tao ang nararamdaman ko. Syempre, hindi directly ang pagkasulat ko. Sus, alam nyo naman ako di’ba, idinadaan ko na lang sa figures ang gusto kong sabihin. Madalas man akong ma-misunderstand, eh hinahayaan ko na lang. Basta ako, nasabi ko na ang gusto kong sabihin at tunay nga na nakakatulong sa akin ang ganung style. Ewan ko ba, masaya lang ako kapag nagsusulat ako. Lalo na kapag malungkot ako, idinadaan ko na lang sa blog. By the way, may nabasa kasi akong post na feeling ko may kinalaman sa akin ang message. At may kinalaman yun sa post ko dun sa bulletin board. Kaya gusto ko lang i-interpret yung ginawa ko. Ayoko nang mag-leave ng questions. (Pero ayos lng kung marami pa ring tanong..wooh! Maganda rin palang maging magulo minsan! hehehe…) Hindi ko alam kung nababasa ng taong iyon ang blog ko na ito, dahil hindi ko alam kung may pakialam sya dito. Ayos lang… Heto yung message, i-pe-paste ko dito.
Luluhod ka rin, Tala sa Silangan
Darating ang araw na ikaw, ikaw na isang talang napakalayo sa akin, ay luluhod at hihingi ng tawad dahil sa pagpili mong saktan at talikuran ako–ako na pinakamagandang bituin sa langit. Hindi ko sinusumpa ang kinang mo ngunit, gusto ko lang sabihin na wala ka nang ibang makikitang bituin, na tulad ko, na tunay na magmamahal sa iyo na kagaya ng buwan. Sinlaki man ng araw ang kasalanan mo sa akin, ang pagmamahal ko naman sa iyo ay sinlawak ng kalawakan.
Alam ko nahihirapan kang intindihin ito, kasi ayaw mo talaga itong intindihin. Ikaw ay isang tala sa silangan, at ako naman ay nasa kanluran. Hindi tayo magkaabutan. Gayun pa man, masaya na ako na nakikita kita kahit na sa malayuan. Pinilit kitang abutin ngunit hindi kita maabot sapagkat ikaw ay tila lumalayo sa akin; nagtatago sa malungkot at madilim na kalangitan. Ako ay umaasa na darating ang araw na maiiintindihan mo rin ang lahat ng ito. At ang araw na iyon ay malapit na. Kung hindi man dumating ang araw na ‘yon, o kung mahuli man ang lahat, alam kong may dahilan kung bakit nangyari iyon.
Salamat sa kahit konti mong pag-intindi. Mahal na mahal kita, tala, simula pa nung ikaw ay isilang ng diwata ng mga bituin. Ako ngayon ay humihikbi at nalulungkot dahil hindi mo makita ang pagmamahal na nais kong ipaabot sa iyo, bagkus, ikaw ay nabubulag ng iyong kawalan ng pananalig sa lumikha sa atin. Ikaw ay nabubulag sa poot na idinulot ko sa’yo. Ako ay tunay na nalulungkot.![]()
Pag dumating ang araw na mapagtantuan mo na ikaw ay gusto nang lumuhod sa akin, sabihin mo lang, hindi ko na hahayaang humalik pa ang iyong mga tuhod sa lupa.Labis na nalulungkot ngunit patuloy na sa iyo’y nagmamahal,Bituin/Tala sa Kanluran
Hihingi ka rin ng TawadDarating ang araw na ikaw, ikaw na aking kasalungat sa lahat ng bagay, ay hihingi ng tawad dahil sa pagpapasakit at pagtalikod na idinulot mo sa akin. Hindi ako galit sa iyo, ngunit gusto ko lang sabihin na wala akong katulad at ang pagmamahal ko sa iyo ay singtunay ng buwan. Marami ka mang kasalanan sa akin pero lahat ng iyon ay natabunan na ng pagmamahal ko para sa iyo.Alam kong mahirap intindihin ito, kasi ayaw mo talagang intindihin. Iba ka sa akin at tayo ay tunay na magkasalungat. Madalas hindi tayo nagkakaintindihan at nagkakasundo. Pinilit kitang intindihin ngunit hindi kita maabot dahil ikaw ay patuloy na lumalayo sa akin; ginagawang malungkot ang iyong buhay. Umaasa ako na darating ang araw na maiintindihan mo rin ako at malapit na iyon. Ngunit kung magkahiwalay man tayo at hindi mangyari iyon, alam kong may magandang dahilan ang lahat.Salamat kasi kahit konti, alam kong pinipilit mo itong intindihin. Mahal na mahal kita, simula nung tayo ay nagkakilala. Naiiyak at nalulungkot lang ako kasi hindi mo makita ang pagmamahal ko sa’yo. Wala kang tiwala sa Diyos at alam kong may galit ka pa sa akin. Nalulungkot talaga ako.
Kapag dumating ang araw na gusto mo nang humingi ng tawad sa akin, sabihin mo lang, napatawad na kita kaagad.Malungkot at Mahal ka,Imary






