Nanghihina talaga ako sa aking kalakasan…
Nakakalungkot…
walang masyadong makausap ng masinsinan pagdating sa usapang pang-ispiritual. Lord, kailangan ko ng spiritual breakthrough! Namimiss ko ang dati kong ginagawa sa Pilipinas. Namimiss ko ang mga kaibigan ko na nakasama kong dumaan sa mga obstacles ng aming ministeryo at pagdarasal para sa aming mga pamilya. Kailan ba matatapos itong season ng buhay kong ito? I feel coldness in a sunny day. Lord di’ba pangako mo sa akin ang America? Unti-unti nang natutpad ang mga pangarap ko; ang makapag-aral dito upang mas lalong gumanda ang aking buhay. Kasama ko na ang pamilya ko. Maganda ang mga nangyayari pero feeling ko hindi ko deserve ang mga ito sapagkat alam ko sa sarili ko na madalas na akong lumabag sa Iyo. Ngunit paano ko gagawing muli ang mga bagay na nagawa ko dati gaya na lamang ng pagsisilbi sa’yo ng buong buhay ko? Sa tingin ko hindi ko na naibibigay ang buong puso ko sa’yo. In love ako sa’yo,Lord eh. pero hindi ko maipakita sa’yo yun ngayon… Nalulungkot ako dahil alam kong napapalungkot kita. ano’ng gagawin ko??? Kailangan ko rin naman ng may mga makakasama.hindi ko na alam kung paano ako gagalaw ulit . Magaan naman dapat ang mga bagay-bagay ngunit mabigat sa loob ko. Nahihiya na akong humarap sa’yo. Nahihiya na talaga ako. hindi ko na alam ang mga sasabihin ko. Alam ko para sa iba siguro napakababaw nitong bagay na nagpapalungkot sa akin. Pero parang ang lalim para sa akin. Gusto kong umiyak Lord, pero kanino ko iiyak ito? hindi ko iniisip na na iniwanan mo ako, bagkus, iniisip ko na iniwanan kita. In love talaga ako sa’yo Lord eh. Mahal talaga kita. Patawarin mo ako kung ganito na ako mag-isip ngayon. Sabi ng isang kaibigan ko, basta may Hesus ako, alam kong hindi ako magkukulang. Lord,patawarin nyo ako pero pakiramdam ko nagkukulang na ako. Hindi kita sinisisi, sinisisi ko ang sarili ko. Lord,ayoko na.Sasabog na ang dibdib ko. alam ko namang bukas wala na ulit ito. PEro pag dating ng gabi, bumabalik ang lungkot na hindi ko matanto. nahihirapan akong mag-express.. nahihirapan talaga ako. nahihirapan na ako sa sariliko. Nahihiya na talaga akong lumapit sa’yo. Lord,maniwala ka sa akin, mahal na mahal na mahal kita. Lord, patawarin mo ako kung nagseself-pity ako.
PAdalhan nyo ako ng mga taong tatapik sa balikat ko. Nalulungkot ako.Nararamdaman ko na malakas ako ngunit napakahina ko. Kailangan ko ng aalalay sa akin para ako ay makapag-alalay.
Nanghihina na talaga ako sa aking kalakasan…
Naiiyak na ako…
:(
:( ![]()

